Home NATIONWIDE 10 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

10 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal

MANILA, Philippines – Naitala ang 10 volcanic earthquakes, kabilang ang tatlong tremors, sa Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang mga ito ay tumagal nang dalawa hanggang apat na minuto.

Naglalabas ang Bulkang Taal ng average na 3,823 tonnes ng sulfur dioxide araw-araw hanggang nitong Mayo 20.

Sinabi rin ng PHIVOLCS na nakapagtala ito ng upwelling ng hot volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Umabot sa taas na 1,500 metro ang emission ng Bulkang Taal.

Ang volcanic earthquakes ay “induced by rising lava or magma beneath active volcanoes.”

Samantala, ang volcanic tremors “can be caused by different processes inside the volcano, including resonance triggered by magma or magmatic gas flowing through cracks and vents, successive overlapping low-frequency earthquakes, and eruption of magma,” sinabi pa ng PHIVOLCS.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC