Home METRO 3,000 ream ng ismagel na yosi nasamsam

3,000 ream ng ismagel na yosi nasamsam

BUTUAN CITY- Nasamsam ng mga pulis ang puslit na sigarilyo sa isang buy-bust operation sa Barangay Quirino, Madrid, Surigao del Sur, nitong Biyernes.

Sinabi ni Police Regional Office-13 Director Police Brig. Gen. Alan M. Nazarro na nadakip ng dalawang hinihinalang smuggler sa operasyon – Art, 54, at Lilia, 31, kapwa residente ng bayan ng Madrid.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3,006 reams ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P134,200.

Inihayag ni Nazarro na maghahain ng kasong paglabag sa Republic Act No. 4712 o An Act Amending Certain Sections of the Tariff and Customs Code of the Philippines laban sa mga suspek.

“We do not tolerate these illicit trades of cigarettes in our region,” giit ni Nazarro.

Ipinag-utos ng opisyal sa PRO-13 na paigtingin pa ang kampanya laban sa smuggling. “We are persistent in our efforts to battle all sorts of smuggling activities,” aniya pa. RNT/SA