Home METRO ALAMIN: Mga kalsadang sarado mula Hunyo 21 ‘gang 24 para sa road...

ALAMIN: Mga kalsadang sarado mula Hunyo 21 ‘gang 24 para sa road reblocking, repairs

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Biyernes ang road reblockings at repairs na kasado mula Hunyo 21 hanggang 24, 2024.

Base sa isang Facebook post, sarado ang sumusunod na mga kalsada simula alas-11 ng gabi ng Biyernes at muling bubuksan pagsapit ng alas-5 ng umaga sa Lunes:

  • Regalado Avenue (NB) patungong North Caloocan, Quezon City

  • Tandang Sora Avenue, Quezon City

  • Quirino Highway, Quezon City

  • Congressional Avenue Ext., Quezon City

  • North Avenue NB bago sumapit ang Sen. Mirriam P. Defensor- Santiago Avenue (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Congressional Avenue Ext. sa harap ng UP Professors Village (truck lane), Quezon City

  • Mindanao Avenue Petron hanggang Alley 15 (2nd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Mindanao Avenue bago sumapit ang Don Jose Street (4th lane mula center island), Quezon City

  • Congressional Avenue Ext. sa harap ng Hide Away (truck lane), Quezon City

  • Sergeant Rivera corner Skyway Bypass Road hanggang A. Bonifacio Avenue (3rd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • A. Bonifacio Avenue 5th Avenue hanggang Cloverleaf interchange EDSA (3rd lane mula sa sidewalk), Quezon CIty

  • Quirino Highway Sagitarius Street hanggang corner Mindanao Avenue (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Quirino Highway Baesa Cemetery hanggang Masagana at Mendez Road hanggang Baesa Road (2nd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Commonwealth Avenue Luzon Avenue hanggang Central Avenue (2nd lane mula sa sidewalk), Quezon City

Pinayuhan ang ma motoristang dumaan sa mga alternatibong ruta sa mga nasabing petsa. RNT/SA