Home ENTERTAINMENT Albie, to-the-rescue kay Nikko!

Albie, to-the-rescue kay Nikko!

Manila, Philippines – Naawa si Albie Casino sa kapwa actor na si Nikko Natividad matapos itong batikusin dahil sa naging post nito kamakailan na tila may patama kay Vice Ganda. Hindi raw tama ang pagpapahiya ni Vice kay Nikko dahil lamang sa pagbibigay nito ng opinyon kay Axel, isang searchee sa nakaraang episode ng “Expecially for You”.

Dahil sa komento ni Nikko, may ilang netizens ang nais siyang ipatanggal sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Agad na ring dinelete ang nasabing post ng actor at dating Hashtag member.

Dahil sa nangyari, dumepensa ang Can’t Buy Me Love actor kay Nikko.

Sa post ni Albie sa kanyang IG stories, kanyang ibinahagi ang kanyang post kung saan dinepensahan ni Nikko ang kanyang sarili sa pag-express ng kanyang sariling opinyon.

“Saludo ako sayo brother @nikkonatividad,” mababasa sa caption ni Albie

“Wala namang mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinion and we all have the right to voice that.

“Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabho ang taong nagsu-support ng pamilya dahil lang sa opinion niya,” pahayag pa ng actor. Samantala, lumipad nitong June 7 si Albie papuntang US para sunduin ang kanyang non-showbiz girlfriend at model kasama ang kanilang first baby boy.

Sa aming message kay mommy Rina Casino (mommy ni Albie ), aniya’y masaya siya na finally, nabigyan na siya ng apo ng anak.

“Kaalis lang ni Albie for the US. I have yet to confirm the details kung anuman at pagbalik niya from the US. Padadalhan kita ng photos,” assure niya sa amin. Ador Saluta