Home HOME BANNER STORY Apela ni Guo sa suspensyon sa pagkaalklade tinabla ng Ombudsman

Apela ni Guo sa suspensyon sa pagkaalklade tinabla ng Ombudsman

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang apela ni suspended Bamban Mayor Alice Guo at dalawa pang akusado na humihiling na bawiin na ang anim na buwan na preventive suspension na ipinataw laban sa kanila.

Nakasaad sa ruling ng Ombudsman na walang mabigat na dahilan para bawiin nito ang preventive suspension laban kina Guo, Municipal Business Permits and Licensing Officer Edwin Ocampo at Municipal Legal Officer Adenn Sigua habang nakabinbin ang imbestigasyon sa kaso.

“Ombudsman reiterates it’s preliminary finding that there are sufficient grounds to hold that the evidence against Guo is strong at this time.”

Iginiit din ng Ombudsman na hindi maituturing na parusa ang preventive suspension kungdi isang preventive measure o inisyal na hakbang sa isinasagawang administrative investigation kung saan layon nito na hindi magamit nina Guo ang kanilang posisyon para maimpluwensya ang mga posibleng testigo. Una nang iginiit nina Guo na walang basehan ang mga reklamo laban sa kanya ng DILG na nauugnay sa kanya sa mga criminal activities ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanyang bayan sa Tarlac.

Binigyan-diin ni Guo na ang mga akusadyon laban sa kanya ay batay sa mga maling pagkaunawa ng mga “facts and laws”. Teresa Tavares