Home METRO Baril at shabu kumpiskado sa 5 sugarol sa Taguig

Baril at shabu kumpiskado sa 5 sugarol sa Taguig

MANILA, Philippines – Huli sa akto ng mga nagpapatrulyang miyembro ng Taguig City police ang limang sugarol na naglalaro ng ‘cara y cruz’ na nakuhanan din ng baril at shabu Lunes ng hapon, Hunyo 17.

Kinilala ng Taguig City police ang limang arestadong suspects na sina alyas Israel, 26, tricycle driver; alyas Aniceto, 38; alyas Prince 27, construction worker; alyas Joey, 34; at isang alyas Jayson, 41, kitchen crew.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang pagdakip sa mga suspects dakong alas 5:30 ng hapon sa Brgy. Pembo, Taguig City.

Ayon sa SPD, habang nagsasagawa ng routine foot patrol during a routine foot patrol ang mga miyembro ng Taguig City police ay nadaanan nito ang mga suspects habang nagkaa-cara y cruz.

Sa pagsasagawa ng body search ay nakuha sa isa sa mga suspects ng kalibre.38 na kargado ng anim na bala, isang plastic sachet na naglalaman ng 1.2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱8,160, isang plastic sachet na naglalaman din ng 1.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga naman ng ₱9,520, at ang kanilang perang pinaglalabanan na may iba’t-ibang denominasyon kabilang na rin ang tatlong mamiso na ginamit sa pagsusugal.

Ang nakumpiskang shabu ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions), at PD 1602 (Illegal Gambling) ang mga suspects sa Taguig City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)