Home NATIONWIDE Bulkang Taal nakapagtala ng 8 volcanic quakes

Bulkang Taal nakapagtala ng 8 volcanic quakes

MANILA, Philippines – Naitala ang walong volcanic earthquakes, kabilang ang limang tremor sa Bulkang Taal mula alas-12 ng madaling araw ng Lunes, Mayo 20, hangang alas-12 ng madaling araw ng Martes.

Ayon sa PHIVOLCS, tumatagal ang bawat lindol ng dalawa hanggang apat na minuto.

Samantala, nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.

Pagpapatuloy, sinabi ng PHIVOLCS na umabot sa 3,823 tons ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan noong Mayo 20, at mayroon ding upwelling ng hot volcanic fluids sa Main Crater Lake.

May taas na 2,400 metro ang namataang plumes. RNT/JGC