Home NATIONWIDE Cancer screening services sa kababaihan pinasinayaan ng DOH, DILG

Cancer screening services sa kababaihan pinasinayaan ng DOH, DILG

MANILA, Philippines – Magkatuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Interior ang Local Government (DILG) na nagsagawa at nagbigay ng kauna-unahang organized cancer screening services para sa mga kababaihan sa mga lugar ng trabaho na may temang “Babae, Mahalaga Ka! Magpa-cancer Screening na!” upang pasiglahin ang kamalayan, pag-iwas, at kontrol sa kanser sa mga kababaihan habang pinapabuti ang kanilang kalusugan at pangkalahatang kagalingan.

Ang mga serbisyong inaalok para sa cervical cancer screening ay sumasaklaw sa mga advanced na molecular approach gaya ng Human Papillomavirus DNA Test (HPV-DNA) para sa mga kababaihang may edad 30-49, na kinukumpleto ng mga cytologic test tulad ng Pap smears o Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) para sa mga babaeng may edad na 50 at sa itaas.

Sinabi ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., na isa ring cancer survivor at tagapagtaguyod ng maagang pagtuklas, na sila ay kaisa ng DOH sa pagtataguyod para sa kalusugan ng kababaihan at pagtataguyod para sa screening ng kanser sa mga lugar ng trabaho.

“We are fully onboard on this partnership with the DOH. Early detection for diseases like cancer means early treatment and higher chances of survival. Layunin natin na mas maraming matulungan sa pamamagitan ng hakbang na ito,” sabi ni DILG Secretary Abalos Jr.

Kasunod ng aktibidad, ang DOH Centers for Health Development (CHDs) ay mangunguna sa mga serbisyo ng screening sa kani-kanilang mga rehiyon, na nakatuon sa pagtuklas at pag-iwas sa mga kanser sa cervix at suso. Ang mga serbisyong ito ay madaling makukuha sa iba’t ibang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, tulad ng Quezon City Health Department sa tulong ng Johns Hopkins Program for International Education in Gynecology and Obstetrics’ (Jhpiego) Centralized Laboratory Model for HPV DNA Screening (CLAMS) Project.

“When we take care of women, we take care of the nation. With this initiative, we not only address the pressing need for organized cancer screening services but also recognize the pivotal role of women in our society towards Bagong Pilipinas, kung saan Bawat Buhay Mahalaga,” binigyang-diin ni DOH Secretary Teodoro J. Herbosa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)