Home NATIONWIDE DPWH: ‘Variations’ sa bagong gusali aprub sa Senado

DPWH: ‘Variations’ sa bagong gusali aprub sa Senado

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Public Works and Highways nitong Biyernes na inaprubahan ng Senado ang ilang pababago sa inisyal na plano ng kontrobersyal na bagong Senate building.

Kasunod ang pahayag ng pagkuwestiyon ni Senator Alan Peter Cayetano kung bakit pinayagan ang DPWH sa maraming “variations, deviations, and modification made to the project in various stages for various reasons that has yet to be validated,” na naging dahilan ng paglobo ng halaga ng proyekto.

“Ang variation order is actually a big process. The variation order has to go through a process with the Senate supervision committee nila. In fact the funds are not really transferred to the Department, it is kept with the Senate. So anytime we submit a bid, a dealing to them, they have to scrutinize it, and then once they are satisfied with the documentation ibibigay nila sa amin ang amount to pay the contractor,” pahayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan sa isang panayam.

“It is a joint decision, emanates initially with the Senate committee. It is a joint undertaking, sila ang approving body for ‘yung mga variations,” patuloy niya.

Sinabi ni Bonoan na ipinatutupad lamang ng DPWH ang mga detalyeng tinukoy ng Senado.

“We are just the implementing unit of the Senate. Whichever specifications that they want us to implement, then we implement it. So sila ang may say,” anang opisyal.

Nauna nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na nagulat siya sa halaga ng konstruksyon na P23 bilyon.

Nagsimula ang konstruksyon ng bagong Senate building sa BGC sa ilalim ng termino ni noo’y Senate President Vicente Sotto III at ipinagpatuloy ng humalili sa kanya, si dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

“Nakakagulat at masama sa panlasa na gagastos nang ganito kalaki ang Senado para sa aming magiging bagong tahanan at opisina at sa dami ng pinapapapirmahan sa akin na bayarin nais kong tingnan muna at suriin ito nang husto kung talaga bang nararapat, angkop at kung paano ito mapababa,” wika ni Escudero sa isang ambush interview.

Aniya, sinunod niya ang mga rekomendasyon ni Cayetano na ipagpaliban ang pagbabayad habang hinihintay ang pagbusisi sa layunin nilang mapababa ang presyo.

Umaasa naman ang DPWH na maging operational ang Senate building sa susunod na taon, sa kabila ng mga pagkaantala, batay kay Bonoan.

“We were trying to have it initially operational sana this year, but unfortunately because of the Phase 2 program, ‘yung mga additional facilities inside hindi makahabol. We will try again next year siguro,” sabi ng opisyal. RNT/SA