Home NATIONWIDE DTI tumugon sa panawagan ni Tolentino na price freeze

DTI tumugon sa panawagan ni Tolentino na price freeze

MANILA, Philippines- Bilang tugon sa panawagan ni Senator Francis ‘Tol’ N. Tolentino para sa prize freeze, naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng panibagong listahan ng mga produkto na sasailalim sa boluntaryong nationwide price freeze.

Inanunsyo sa “Usapang TOL” sa DWIZ, ang mga sumusunod na produkto ay sinasabing kasama sa price freeze:

  • Alaska condensed milk

  • Liberty condensada

  • Swerte ko instant mami

  • Nido fortigrow

  • Bear brand powdered milk

  • Carnation evap

  • Carnation condensada

Ang boluntaryong pag-freeze ng presyo para sa mga nabanggit na produkto ay magkakabisa sa buong bansa mula Mayo 16 hanggang Hunyo 30, 2024.

Pinasalamatan ni Sen. Tolentino si DTI Secretary Alfredo Pascual sa pagdinig sa kanyang panawagan.

Matatandaang noong Mayo 4, 2024, hinimok ni Senador Tolentino ang DTI na magpataw ng price control para maibsan ang pasanin ng mga mamamayan dahil sa El NiƱo at inflation. RNT