Home NATIONWIDE Foreign support sa resupply missions, ‘di na kailangan – PCG

Foreign support sa resupply missions, ‘di na kailangan – PCG

MANILA, Philippines – Hindi na kailangan ng suporta ng mga ka-alyado ng Pilipinas para sa pagsasagawa ng resupply missions sa BRP Sierra Madre, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Hunyo 22 sa kabila ng pinakahuling aksyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

“Right now, we don’t see any reason that we will be requesting any foreign actors to support our ordinary and routine resupply mission to BRP Sierra Madre,” sinabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for the West Philippine Sea.

Matatandaan na binangga ng barko ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea noong Hunyo 17 dahilan para maputulan pa ng hinlalaki ang isa sa mga tropang Pinoy.

Sa kabila ng ebidensya mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinakot pa ng mga Chinese ang mga Pinoy gamit ang mga patalim, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang insidente ay hindi isang armed attack.

Samantala, sa ulat ng Global Times, isang tabloid na pagmamay-ari ng Chinese Communist Party, palihim umanong naglilipat ng mga gamit ang Pilipinas sa BRP Sierra Madre.

Sinabi na ang mga sundalong Filipino “secretly transported large quantities of construction materials to the illegally grounded warship, aiming to repair and reinforce it to turn it into a permanent facility.”

Ayon pa sa Chinese Foreign Ministry, ang pinakahuling tensyon sa Ayungin Shoal ay kasalanan ng Manila matapos ang “breached its commitments and refused to tow away the warship illegally grounded at Ren’ ai Jiao for 25 years.”

“It is evident that their greedy ambition has driven them to resort to violence,” sinabi ng PCG. RNT/JGC