Home METRO Gamit ng nawawalang beauty queen nakita sa sunog ng SUV sa Tarlac

Gamit ng nawawalang beauty queen nakita sa sunog ng SUV sa Tarlac

MANILA, Philippines – Natagpuan ang mga gamit ng nawawalang pageant contestant mula Pampanga sa natagpuang sunog na sport utility vehicle (SUV) sa Tarlac.

Iniulat ng pamilya ng 26-anyos na si Geneva Lopez na siya at si Yitshak Cohen, ang kanyang Israeli boyfriend, ay nawawala mula noong Hunyo 21, Biyernes.

Pupunta raw sila sa Capas, Tarlac para tingnan ang mga property na balak nilang bilhin.

Sabado ng madaling araw, nirespondehan ng Bureau of Fire Protection ang isang nasusunog na SUV sa kahabaan ng kalsada.

Kinumpirma ng pamilya ni Lopez na ang mga nasunog na gamit, kabilang ang isang ID card, ay pag-aari ng nawawalang pageant contestant.

Sinabi ng Capas Police na nakikipag-coordinate sa mga awtoridad ang mga taong dapat makipagkita sa mag-asawa. Bine-verify ang kanilang mga pahayag.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang nawawalang mag-asawa.

Si Lopez ay kabilang sa mga opisyal na kandidato ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024. Siya ay kumakatawan sa bayan ng Sto.Tomas sa kanyang lalawigan. Santi Celario