Home METRO Helper ng rice mill patay sa pamamaril sa Abra

Helper ng rice mill patay sa pamamaril sa Abra

MANILA, Philippines – Itinumba ang isang 36-anyos na helper ng isang rice mill sa Sitio Bacsil, Barangay Dangdangla, Bangued, Abra nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 21.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay kinilalang si
Dranreb G. Bulda, ng Barangay Zone 5 na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo nang dumating ang isang lalaki at binaril ito sa dibdib at likuran.

Dinala sa ospital si Bulda ngunit idineklara ring nasawi kalaunan.

Tumakas ang suspek at pinaghahanap sa manhunt operation. RNT/JGC