Home METRO Higit P360K shabu nasabat, tulak tiklo sa Pasay

Higit P360K shabu nasabat, tulak tiklo sa Pasay

MANILA, Philippines – Nalambat sa pagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ng Pasay City police Maricaban Substation ang isang 19-taong-gulang na pusher nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 21.

Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita ang nadakip na suspect na si alyas “Eboy,” residente ng Barangay 179, Maricaban, Pasay City.

Ayon kay Pabonita, nadakip ang suspek dakong alas-6:30 ng gabi sa panulukan ng Saint Augustine at Saint Rita Streets sa Barangay 178, Maricaban, Pasay City.

Sa pagkakaaresto kay alyas Eboy ay nakuhanan ito sa kanyang posesyon ng 64 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng 53.41 gramo ng shabu na anglakahalaga ng P363,188.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police. James I. Catapusan