Home HOME BANNER STORY House Speaker blangko sa kumakalat na ‘Romualdez Rice’

House Speaker blangko sa kumakalat na ‘Romualdez Rice’

MANILA, Philippines – Nilinaw ni House Speaker Martin Romualdez na hindi niya aprubado o awtorisado ang bigas na ipinamamahagi na nakitang may markang “Romualdez rice”.

Ayon kay Romualdez, kanyang aalamin kung saan galing ang mga bigay na may marka ng kanyang pangalan.

“We haven’t sanctioned that so that will be rectified,” pqhayag ni Romualdez. “But the most important thing is that we bring rice to every Filipino table at affordable prices,” dagdag pa niya.

Ang rice packs na may markang “Romualdez rice” ay unang kumalat sa social media.

Ang tawag kay Romualdez na “Mr. Ric”e ay ibinansag sa kanya ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu dahil na rin sa pagtugon nito sa problema ng bigas at pagtiyak na mapababa ang presyo sa merkado.

Sa ilalim ng Cash and Rice Distribution Program (CARD) at Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ay namamahagi ng bigas ang pamahalaan kungbsaan umiikot ang caravan sa ibat ibang bahagi ng bansa para magpaabot ng tulong. Gail Mendoza