Home METRO Ilang bahagi ng Mindanao, sapul sa landslide at baha sa matinding ulan

Ilang bahagi ng Mindanao, sapul sa landslide at baha sa matinding ulan

MANILA, Philippines – Kasabay ng matinding init na panahon na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa, binaha naman at nakaranas pa ng landslide ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa matinding pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, ang naranasang matinding ulan sa Mindanao ay dahil lamang sa thunderstorm at hindi dahil sa low pressure area na namataan malapit sa bansa.

Apektado ang mga residente at mga motorista sa Davao City dahil sa matinding baha sa ilang mga kalsada.

Nalubog din sa baha ang mga tirahan at palayan sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur dahil sa pag-ulan habang sa Kabacan, Cotabato ay nanatiling alerto naman ang mga residente dahil din sa banta ng pagbaha. RNT/JGC