Home METRO Kabi-kabilang landslide naitala sa Central Visayas sa malakas na ulan

Kabi-kabilang landslide naitala sa Central Visayas sa malakas na ulan

šŸ“·Jham Erraga Hollero

MANILA, Philippines – Nagdulot ng kabi-kabilang landslide ang tuloy-tuloy at malalakas na pag-ulan sa Central Visayas nitong Martes, Hunyo 25.

Kabilang dito ay ang landslide na naitala sa Sitio Tarcom, Barangay Busay, Cebu City kung saan isang tirahan ang nasira dahil dito.

Dinala na sa evacuation center ang isang pamilya na naapektuhan nito.

Wala naming nasaktan sa nangyaring landslide.

Samantala, naitala rin ang pagguho ng lupa sa Barangay Liptong, Bacong, Negros Oriental kung saan natabunan ang isang kalsada.

Hindi nadaanan ng ilang oras ang kalsada kung kaya’t agad na nagsagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan.

Patuloy naman na minomonitor ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Negros Oriental ang posibilidad ng landslide at mga pagbaha sa rehiyon dahil sa mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA Central Visayas, ang malalakas na pag-ulan ay dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC