Home OPINION KALAYAAN

KALAYAAN

ANG Hunyo 12 ng bawat taon ay paggunita sa ating “Araw ng Kalayaan” sa kamay ng dayuhang mananakop noon na bansang Espanya na mahigit na 300 taon tayong nasa ilalim ng kolonya nito.

Matapos ito ay sinakop din tayo ng bansang Estados Unidos at sa pagputok ng ikalawang digmaang pandaigdig ay ang bansang Hapon naman ang sumakop sa atin na nagwakas  noong taong 1945. Ganap na nga tayong malaya.

Samantala, ngayon ay tila unti-unti na tayong sinasakop ng bansang Tsina dahil ito sa kaluwagan ng nagdaang administrasyong Duterte sa mga dayuhang Intsik gaya ng pagpayag na makapasok ang kabi-kabilang Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa ating bansa.

Idagdag pa ang pananamantala nila sa ating West Philippine Sea, mga isla rito at pangha- harass sa ating mga Philippine Coast Guard at Philippine Navy na nagpapatrolya at nagbabantay sa lugar.

Nagpupugay at sumasaludo tayo sa mga PN at PCG na mga bayaning buhay na nagtatanggol sa ating mga isla at karagatan sa bahagi ng WPS. Timping-timpi at nagpapasensya lamang sila sa mga mananakop na tsekwa dahil batid nating mahirap kung magkakaroon ng giyera sapagkat tayo sa Luzon, Visayas at Mindanao ay maaaring maapektuhan at mawalan ng kalayaan.

Kaya naman patuloy lamang tayo sa ginagawang mapayapang diplomatic protest na nakakukuha naman ng simpatiya sa mas maraming bansa sa buong mundo.

May awa ang Panginoong Diyos na hindi niya tayo pababayaang mapahamak at matalo, Kristyanong bansa tayo na nanampalataya sa kanya laban sa bansang komunista na hindi naniniwala sa Diyos. Basta patuloy lamang tayong manalangin at magtiwala sa Itaas kasabay ng mga diplomatikong protesta at pagpapasensya ng ating mga PN at PCG upang manatili ang demokrasya at kalayaan ng ating bansa.

Sa ibang balita, nagpupugay at sumasaludo ako sa aking kaibigan at kababayang Indangenyo na si Barangay Chairman Kristopher Romen ng Barangay Kaytambog na nabigyan ng pagkilalang “Gawad Pilipino Awards 2024 Atin Ito” dahil sa kanyang husay sa pamumuno sa NGO na kanyang kinaaniban na “The Fraternal Order of the Eagles” kung saan siya ang Regional Governor sa Southern Tagalog Region -VII Southern Matikas at ganoon din sa sipag niya bilang Kapitan ng Barangay Kaytambog.

Kaya naman sa paggunita ng 126th Anniversary of Philippine Independence noong Hunyo 12, 2024 ay iginawad sa kanya ang  “Gawad Pilipino Awards 2024 Atin Ito” bilang “Huwarang Malaya sa Pagtulong sa Komunidad,” na ipinagkaloob ng Gawad Pilipino Awards sa EUROTEL Hotel, North EDSA, Quezon City.

Congratulations and Mabuhay ka EAGLE KRISTOPHER C. ROMEN.