Home NATIONWIDE Local rubber industry sinisilip buhayin ng DA

Local rubber industry sinisilip buhayin ng DA

MANILA, Phiippines- Nangako ang Department of Agriculture (DA) ng buong suporta sa pagbuhay sa rubber industry kasunod ng paghina nito noong pandemya.

Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na hawak ng Pilipinas ang potensyal sa rubber sector, bilang ika-13 pinakamalaking prodyuser ng natural rubber sa buong mundo.

Noong 2022, nakapag-ambag ang bansa ng 1 porsyento sa global rubber production, katumbas nag kabuuang output na 109,000 metric tons. 

Mayorya ng rubber exports ay galing sa Mindanao, kung saan matatagpuan ang halos 98 porsyento ng 234,600 ektaryang nakalaan para sa rubber cultivation noong 2022.

Subalit, humina ang Philippine rubber at rubber product exports noong 2022, sa $278.2 million mula $578.3 million noong 2021 dahil sa pagsasara ng processing at manufacturing facilities sa gitna ng COVID-19 mobility restrictions.

Upang tulungang makarekober ang industriya, nagpapaabot ng suporta ang DA sa Philippine Rubber Research Institute (PRRI) sa pamamagitan ng pagbibigay ng infrastructure at iba pang mahalagang pasilidad.

Sa paglagda ng ilang kasunduan sa pagitan ng DA at PRRI, tiniyak ni Tiu Laurel ang commitment ng pamahalaan para sa mas “sustainable, resilient, and inclusive” na agricultural sector.

“Today, we set a new benchmark in our pursuit toward a brighter tomorrow for rubber farmers,” anang opisyal. RNT/SA