Home ENTERTAINMENT Lock screen ng CP ni Dom, di na si Bea!

Lock screen ng CP ni Dom, di na si Bea!

Manila, Philippines – Tunay nga ang kasabihang “Time heals all wounds.”

At sa kaso nga ni Dominique Roque, it only took all of three months para makabangong muli mula sa breakup nila ni Bea Alonzo.

Matatandaang buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon nang kapwa nila isapubliko ang kanilang paghihiwalay.

No reason or ground for their separation, however, was given by either party.

Sa panayam kay Dominic nitong May 21, inamin ng model-businessman na okey na siya.

“Happy” ang ginamit niyang salita para ilarawan ang kanyang current state.

Ani Dom, malaki raw ang naitulong sa kanya ng pagiging abala niya with so many things.

“Inasikaso ko ang aking negosyo, my content on social media and I’ve been going around the Philippines with my motorcycle group,” pag-amin niya.

Matatandaang sa pagitan ng mga panahong ‘yon ay kumalat ang balitang he and Bea got back with each other.

“Nabisto” kasi ‘yon ng isang fan na magpapa-selfie kasama si Dom.

Aktong itinaas ni Dom ang kanyang cell phone nang makaagaw ng atensyon ang larawan ni Bea sa lock screen nito.

Dressed in white, also in the picture ay ang Maltese dog ng aktres na bigay ni Dom.

Is Bea still on the lock screen of Dominic’s mobile phone?

Nangingiting sagot ni Dom: “Hindi na, iba na.”

Kung babalikan din ang timeline, this 2024 dapat nakatakda ang kanilang kasal.

July 18, 2023 nang mag-propose si Dom kay Bea sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City.

Inakala ni Bea na photo shoot ‘yon.

Sa ngayon, memories are all that remain dahil maging ang mga larawan nila sa kanilang respective social media accounts have already been deleted.

But as we often say: life goes on. Ronnie Carrasco III