Home METRO Manibela execs sinampahan ng reklamong kriminal ng QCPD

Manibela execs sinampahan ng reklamong kriminal ng QCPD

MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Sabado, Hunyo 15 na naghain ito ng criminal cases laban kay Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) Chairperson Mario Valbuena at mga pangulo ng Manibela Bulacan/San Fernando, Pampanga.

Ayon sa QCPD, ang mga kaso ay may kaugnayan sa transport strike na isinagawa ng Manibela mula Hunyo 10 hanggang 12 para iprotesta ang consolidation ng mga jeepney sa ilalim ng PUV modernization program (PUVMP).

Nagtipon-tipon ang mga nagprotesta sa harap ng opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Naghain ang QCPD ng mga kasong alarm and scandal, resistance and disobedience, at paglabag sa Public Assembly Act, laban sa dalawa.

“Kahapon, Hunyo 14, 2024, isinampa na ang mga kasong paglabag sa B.P. 880 (Public Assembly Act of 1985), Article 155 ng Revised Penal Code (Alarm and Scandals), at Article 151 ng RPC (Resistance and Disobedience) laban kina Valbuena at Manlapig sa Quezon City Prosecutor’s Office.” RNT/JGC