Home HOME BANNER STORY ‘Monster ship’ ng China namataan malapit sa Ayungin

‘Monster ship’ ng China namataan malapit sa Ayungin

MANILA, Philippines – Namataan ang China Coast Guard 5901, ang pinakamalaking barko ng coast guard sa mundo na kilala bilang “The Monster,” malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Hunyo 25.

“We have noted reports of a large China Coast Guard (CCG) vessel passing near the BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal,” saad ng pahayag ng AFP.

Binigyang-diin ng AFP na ang presensya ng CCG vessel sa lugar ay “illegal, coercive, and contrary to the spirit of maintaining peace and stability in the region.”

Idinagdag nito na patuloy na magiging mapagmatyag at matatag ang militar ng Pilipinas sa pagpapatupad ng mga international maritime law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nanawagan din ang AFP sa ibang bansa na sundin ang internasyunal na batas at iwasan ang mga aksyong magpapalala sa tensyon sa WPS.

Nagsagawa rin ang China Coast Guard 5901 ng “maiksing panghihimasok na patrol” malapit sa Scarborough Shoal noong Mayo. RNT