Home NATIONWIDE Murder case appeal ni Bantag, ibinasura ng CA

Murder case appeal ni Bantag, ibinasura ng CA

MANILA, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang petisyun ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Q. Bantag na ibasura ang kinakaharap nitong murder case kaugnay sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 3, 2022.

Ang murder case laban kay Bantag ay isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Las Pinas City regional trial court (RTC).

Si Bantag ay kinasuhan rin sa Muntinlupa City RTC dahil naman sa pagpatay kay Cristito Villamor Palana, ang person deprived of liberty (PDL) Cristito Villamor ang umano’y middleman sa Percy Lapid killing.

Nananatiling at large si Bantag at iba pang akusado sa kaso sa kabila ng inilabas na arrests order ng korte.

Sa apat na pahinang resolusyon, kinatigan ng CA ang desisyun ng Las Pinas City RTC na ibasura ang motion to quash ni Bantag sa kanyang kaso at sa inisyu na warrant of arrest ng dalawang korte.

Sa desisyun na pinonente ni Associate Justice Ronaldo Roberto B. Martin, nabigo ang petisyun ni Bantag na sumunod sa procedural rules hinggil sa paghahain ng petition for certiorari.

Ayon sa CA hindi nakakuha si Bantag ng conformity sa Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa paghahain ng petisyun.

Binanggit ng CA ang isang ruling Supreme Court (SC) kung saan nakasaad na sa anumang criminal case o proceeding, ang OSG ang tanging maaring kumatawan estado sa SC o sa CA.

Malinaw itong nakasaad sa Section 35(1), Chapter 12, Title III, Book III ng 1987 Administrative Code of the Philippines. Teresa Tavares