Home METRO Murder suspect tiklo sa Taguig

Murder suspect tiklo sa Taguig

Sa pagsasagawa ng intensified manhunt operation ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ay nadakip ang isang murder suspect Biyernes ng umaga (Mayo 17) sa Taguig City.

Base sa report ng SPD ay nakilala ang inarestong suspect na si alyas Shervin, 23, construction worker, na tinaguriang second top Most Wanted Person (MWP) ng District Level sa buwan ng Mayo 2024.

Ayon sa SPD, naganap ang matagumpay na pagdakip kay alyas Shervin dakong alas 7:10 ng umaga sa Central Bicutan, Taguig City.

Makaraan ang pag-aresto kay alyas Shervin ay dinala ito sa kustodiya ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ng Taguig City police.

Ang pag-aresto kay alyas Shervin ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Abril 5, 2024 ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Antonio Murillo Olivete ng Branch 267 na walang rekomendasyon ng piynasa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasaluluyang nakapiit ang suspect sa custodial facility ng Taguig City police habang inaasikaso ang legal na pagpoproseso ng kanyang paglipat ng kulungan sa Taguig City jail. (James I. Catapusan)