Home METRO MWP arestado sa rape at sexual assault sa minor

MWP arestado sa rape at sexual assault sa minor

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki na most wanted person sa district level dahil sa kasong may kinalaman sa panghahalay sa menor de edad sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Johnrel Hordonez y Espanol, 32 anyos, residente ng 334 Magallanes St., Intramuros, Maynila

Si Espanol ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 2 counts ng qualified rape sa mga menor de edad at 4 counts ng sexual assault.

Ayon sa ulat mula sa MPD- DPIOU sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt Col John Kawi Guiagui, acting chief ng DID/D2 ng MPD, nagsagawa ng manhunt police operation na nagresulta sa pag-aresto sa suspek.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong 2 counts ng qualified rape laban sa suspek habang P200,000 naman ang piyansa para sa 4 counts ng sexual assault.

Ang warrant of arrest at inirekomendang piyansa ay ibinaba ni Hon.Roy G.Gironella, Presiding Judge, RTC Branch 43-Manila. Jocelyn Tabangcura-Domenden