Home METRO NAIA ops magpapatuloy sa kabila ng electric maintenance

NAIA ops magpapatuloy sa kabila ng electric maintenance

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabila ng nagpapatuloy na upgrade sa electrical systems, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Sa pahayag, sinabi ng MIAA na ang electrical maintenance ay gagawin mula Hunyo 19 hanggang 21. Gagawin ito matapos ang pinakahuling flight at malayo sa peak hours ng operasyon.

Anang MIAA, kabilang sa maintenance activities ay ang functionality tests, safety integrations sa existing system, at termination procedures sa walong iba’t ibang electrical substations sa NAIA Terminal 3.

“All critical systems for continuous processing of passengers and flights will remain unhampered by the ongoing works,” ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines.

Aniya, magbibigay ng pansamantalang kuryente ang mga generator set habang nagpapatuloy ang maintenance work. RNT/JGC