Home OPINION NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK pinaSIMULAn NGAYONG TAON

NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK pinaSIMULAn NGAYONG TAON

idineklara ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ang July 17 hanggang July 23 na epektibo ngayong taon bilang “National Disability Rights Week”.

Ayon kay executive secretary Lucas Bersamin, pagtupad ito sa naging pangako nang pamahalaan ng lumagda ito sa Uni­ted Nations Convention on the Right of Persons with Disabilities (UNCRPD).

Nakapaloob sa Presidential Proclamation No. 597 na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng National Council on Disability Affairs (NCDA), ang siyang mangunguna sa selebrasyon at maghahanda ng prog­rama at aktibidad.

Inaatasan ang lahat ng mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang GOCCs o government-owned or controlled corporations, at state universities and colleges, na obserbahan ang National Disability Rights Week”.
Hinihikayat din ang mga local government unit, mga non-government organization, at mga nasa pribadong sektor sa kanilang partisipasyon.

Bilang signatory sa United Nations Convention on the Right of Persons with Disabilities, tungkulin ng bansa na palaganapin, protektahan, at seguruhin na natatamasa ng lahat ng nasa sektor ng persons with disabilities ang kanilang karapatang pang-tao, at ibulid sa kaisipan ng publiko ang pagkilala at paggalang sa kanilang dignidad.

Kaugnay nito, naamyendahan na ang mga naunang nailabas na kautusan, kabilang ang Presidential Proclamation No. 1870 series of 1979, na nagdedeklara sa ikatlong Linggo ng July bi­lang “National Disability Prevention and Rehabilitation Week”, at ang Presidential Proclamation No. 361 series of 2000 na ku­mikilala sa July 23 bilang kulminasyon ng NDPR Week na siyang kaarawan ni Apolinario Mabini, ang bayaning tinaguriang “sublime paralytic”.

Batay sa datos, nasa 1.9 million ang PWD sa buong bansa.
Alinsunod sa Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Di­sabled Persons, kabilang sa mga kinikilalang disabilities ang psychosocial disability, mental disability, chronic illness, lear­ning disability, visual disability, orthopedic disability at communication disability.

Mapapansin sa mga mall, may nakalaan silang parking spaces for PWDs ngunit hindi sila katulad ng mga senior citizen may free parking sa loob ng dalawang oras at hindi naibibigay ang kanilang tamang benepisyo, kabilang ang pagkakaroon ng tamang diskwento.