Home HOME BANNER STORY P13.6B droga nasabat ng PNP ngayong taon

P13.6B droga nasabat ng PNP ngayong taon

MANILA, Philippines– Umabot sa kabuuang P13.6 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) mula Enero 1 hanggang Hunyo 21 ngayong taon, ani Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr.

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Abalos na ang halaga ng narcotics ay nasamsam mula sa kabuuang 23,515 anti-illegal drug operations.

Ang mga operasyong ito ay nagresulta din sa pagkakaaresto ng 28,804 na indibidwal, aniya.

Kasama sa kabuuang halaga ang 1,779.74 kg. ng shabu; 3,559.04 kg. ng pinatuyong marijuana; 4,951,655 piraso ng halaman ng marijuana; 26.62 kg. ng cocaine at 4.17 kg. ng ecstasy.

“Sa pagtutok sa linggo ng Hunyo 17 hanggang 21, 2024, ang PNP ay nagsagawa ng 111 na operasyon, inaresto ang 123 indibidwal at nasamsam ang malaking dami ng iligal na droga, kabilang ang 6,122.89 gramo ng shabu at 52,001 gramo ng marijuana, kasama ang 22,340 na binunot na halaman ng marijuana. Ang tinatayang halaga ng mga seizure na ito ay PHP52,343,800.56,” sabi ni Abalos.

Samantala, pinuri ni Abalos ang tatlong nangungunang PNP units sa kampanya –ang Police Regional Office (PROs) 4A (Calabarzon) at 7 (Central Visayas at ang PNP Drug Enforcement Group (DEG).

Mula Hunyo 17 hanggang 21, sinabi ni Abalos na ang pinaigting na pagsisikap ng PNP laban sa most wanted persons ay humantong sa pagkakaaresto sa 1,197 wanted na indibidwal, kabilang ang 347 most wanted persons at 850 iba pang wanted persons.

Para sa kampanya laban sa loose firearms, sinabi ni Abalos na nahuli na ng PNP ang 106 na indibidwal dahil sa illegal possession of firearms, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 183 baril –88 dito ay nai-turn in para sa pag-iingat.

Samantala, sinabi naman ni PNP chief Gen Rommel Francisco Marbil na nasa proseso na sila ng pagpapasigla sa 911 emergency hotline upang matiyak ang mabilis na pagresponde ng mga pulis sa mga insidente. Santi Celario