Home NATIONWIDE P20.3M Mega Lotto jackpot nasolo!

P20.3M Mega Lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules na nasungkit ng isang mananaya ang P20.3 milyong Mega Lotto 6/45 jackpot.

Nahulaan ng maswerteng mananaya ang winning combination para sa Mega Lotto: 01-26-30-13-06-28, dahilan upang mapanalunan nito ang kabuuang P20,388,114.80.

Samantala, walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw na may winning digit combination na 13-41-22-52-17-20 at jackpot na P59.3 milyon. RNT/SA