Home NATIONWIDE P42 kada kilong bigas sa Hulyo, tiniyak

P42 kada kilong bigas sa Hulyo, tiniyak

MANILA, Philippines – Tiniyak ng mga rice industry players sa susunod na buwan ay bababa sa P42 kada kilo ang presyo ng bigas, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ang pagbaba ng presyo ng bigas ay binigyang kasiguruhan ni Romualdez matapos ang ginawang pulong kasama ang mga lider ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), ang nasabing grupo ay kinabibilangan ng mga stakeholders ng bogas simula sa seed growers, farmers, millers, traders, importers at retailers.

Sa isinagawang press conference sa Manila Golf and Country Club kung saan humarap sina Romualdez at PRISM founders Rowena Sadicon at Orly Manuntag sinabi nito na ang pagbaba ng presyo ay resulta ng ipinalabas na executive order ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na nagbabawas sa tariff rates sa imported rice.

Sa ipinalabas na Executive Order (EO) No. 62 ni Pangulong Marcos ay naging 15% na lamang tariff sa imported rice mula sa dating 35%.

“Ito po ang isa sa itutulong po namin na maramdaman sa bawat merkado ang papasok na EO 62 at ang sinasabi po nating 15-percent tariff na maramdaman ng namamayang Pilipino. So inaasahan po namin na sa mga P45-P46 o P44-P42 ang ating mga presyo na bigas sa market pagpasok nitong July, sa 15 percent na tariff po natin,” pahayag ni Manuntag na sya ding tagapagsalita ng Grain Retailers Confederation of the Philippines.

Sa panig ni Romualdez sinabi nito na ang pagbaba ng presyo ay mararamdaman na sa susunod na buwan at asahan pa ng publiko ang paggagawa ng paraan ng pamahalaan para lalong maging abot kaya ang presyo ng bigas.

Maliban kay Romualdez, dumalo rin sa nasabing pulong kasama ang mga rice industry players sina House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, House Committee on Agriculture and Food Chairman Mark Enverga, Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at National Food Authority OIC-Administrator Larry Lacson. Gail Mendoza