Home NATIONWIDE Pag-anunsyo sa isked ng Ayungin resupply mission tablado kay PBBM

Pag-anunsyo sa isked ng Ayungin resupply mission tablado kay PBBM

MANILA, Philippines – HINDI sinang-ayunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekumendasyon na inanunsyo ang pagsasagawa ng Pilipinas ng regular rotation and resupply (RORE) missions sa military outpost nito sa Ayungin Shoal.

”The President has reiterated that we will not publish schedules of any RORE,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Nauna rito, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala siyang nakikitang mas ama kung ianunsyo man ang RORE missions, na aniya’y mananatiling routinary at regular na naka-iskedyul.

Nana nang nagsagawa ng pagpupulong ang National Maritime Council matapos pag-utos ni Pangulong Marcos sa mga kinauukulang Cabinet secretaries na pag-usapan ang insidente sa Ayungin Shoal nong Hunyo 17 na nagresulta ng pagkasugat ng isang Navy servicemen.

Tinuran ni Teodoro na patuloy na idedepensa ng gobyerno ng Pilipinas ang teritoryo ng bansa at ipatupad ang sovereign rights nito.

“‘We reiterate that we seek neither permission nor consent from anyone in performing our sworn duties in the West Philippine Sea. In this regard we will continue our rotation and resupply missions on a regular basis, the welfare of our troops in the BRP Sierra Madre being a matter of utmost importance,” ayon sa Kalihim.

Samantala, kasunod ng pinakabagong agresyon ng Tsina, sinabi ni Pangulong Marcos na ‘proud’ siya sa mga magigiting na kababaihan at kalalakihan ng Philippine military, hindi lamang ng Western Command. Kris Jose