Home OPINION PALAKPAKAN ANG LEYTE 

PALAKPAKAN ANG LEYTE 

IKINATUWA at ipinagmalaki ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang nagawang status ng Stable Internal Peace and Security Condition sa mga bayan ng Hilongos, Isabel, at Merida sa Leyte, bilang makasaysayang pananagumpay at paglaya sa mga kamay ng New People’s Army.

Sa opisyal na pagdedeklara ng status, na dinaluhan ng provincial at local officials, kabilang ang municipal mayors, senior military at police officers, naipakita na ang pagsusulong ng kapayapaan tungo sa kaunlaran ang magbibigay sa bayan ng ibayong pagbabago ng buhay ng lahat ng residente sa lugar.
“The declaration of SIPSC in Hilongos, Isabel, and Merida exemplifies the steadfast commitment of our local leaders and the resilience of our communities. This milestone not only marks the conclusion of a significant threat but also opens the door to unparalleled opportunities for development and growth,” ang paliwanag ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC.
Sa pagkakaroon ng SIPSC status, ang mga bayang nabanggit, ayon kay Torres,  ay makaaakit pa lalo ng mga negosyo at  ‘development projects’. Ang mga lokal na opisyal naman ay magagamit ang natamong kapayapaan sa lugar upang pag-ibayuhin pa ang kalakalan, makalikha ng mga trabaho at mga imprastraktura.
Binigyang pagpapahalaga rin ni Torres ang pakikilahok ng mga komunidad na makamit ang kapayapaan para tukuyan nang mamayani ito.
“We must continue to nurture the spirit of unity and vigilance,” ani Torres.
Ang dedikasyon at kooperasyon ng mga residente ng Hilongos, Isabel at Merida ay malaking papel na kanilang ginapanan, ayon pa kay Torres.
Ang tinahak na landas tungo sa SIPSC ng Leyte ay mailalarawan sa pakikiisa, tapang at katatagan ng lahat ng mamamayan doon. Ang pagdedeklara ng kalayaan sa mga kuko ng NPA ay ‘di lamang sa ngayon, kundi, dagdag pa ni Torres, para maglatag ng matatag na pundasyon para sa magandang kinabukasan, kung saan ang lahat ng komunidad ay may pag-unlad na aasahan dahil sa tinamong katahimikan at pagkakaisa.
At para sa mga susunod pang panahon, siniguro din ng NTF-ELCAC ang suporta nito sa Leyte upang pangalagaan ang katahimikan sa lugar.