Home METRO Palugit para sa e-bike, e-trike ban violators pinalawig ng MMDA

Palugit para sa e-bike, e-trike ban violators pinalawig ng MMDA

MANILA, Philippines- Pinalawig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggo ang grace period sa pagbabawal sa e-bikes, e-trikes, at iba pang light vehicles sa national roads sa National Capital Region.

“We will still be not issuing violation tickets this week but we reiterate that they are still prohibited on major roads,” pahayag ni MMDA chairperson Romando Artes nitong Lunes.

“This one-week extension will allow owners and drivers of e-bikes, e-trikes, and other similar light vehicles to comply with either registration or getting a driver’s license,” dagdag niya.

Ayon kay Artes, ipagpapatuloy ng MMDA ang pagpapaalala sa drivers ng light e-vehicles maging tricycle, pedicab, pushcart, at kuliglig na ipinagbabawal ang pagdaan sa national, circumferential, at radial roads sa rehiyon.

Simula sa Lunes, inihayag ng MMDA na makatatanggap ang violators ng violation tickets at mai-impound ang unregistered vehicles.

Samantala, ang mga sasakyang na-impound sa unang araw ng ban noong Abril ay naipalabas na at hindi na kailangang magbayad ng multa ng violators, base sa MMDA.

Sinabi pa ng ahensya na ang grace period na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay napaso na noong Mayo 18.

Saklaw ng ban sa e-bikes, e-trikes, at iba pang light vehicles ang mga sumusunod na kalsada:

  • Recto Avenue

  • Pres. Quirino Avenue

  • Araneta Avenue

  • Epifanio Delos Santos Avenue

  • Katipunan/C.P. Garcia Avenues

  • Southeast Metro Manila Expressway

  • Roxas Boulevard

  • Taft Avenue

  • Osmeña Highway or South Super Highway

  • Shaw Boulevard

  • Ortigas Avenue

  • Magsaysay Boulevard/ Aurora Boulevard

  • Quezon Avenue/ Commonwealth Avenue

  • A. Bonifacio Avenue

  • Rizal Avenue

  • Del Pan/Marcos Highway/ MacArthur Highway

  • Elliptical Road

  • Mindanao Avenue

  • Marcos Highway

  • Boni Avenue

  • España Boulevard

Inihayag ng MMDA na pagmumultahin ang violators ng P2,500. Sakaling ang driver ay walang lisensya o hindi rehistrado ang sasakyan, mai-impound ang unit. RNT/SA