Home METRO Patrol ops, police presence sa buong bansa paiigtingin ng PNP chief

Patrol ops, police presence sa buong bansa paiigtingin ng PNP chief

MANILA, Philippines – Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil nitong Miyerkules, Hunyo 19 ang pinaigting na patrol operations sa buong bansa upang palakasin ang police visibility at masiguro ang mabilis na pagtugon sa mga krimen.

Ayon sa PNP, kabilang sa direktiba ay ang foot patrols kung saan direktang makikipag-ugnayan ang mga pulis sa mga komunidad, partikular sa mga urban center, residential area at high-traffic locations.

Mayroon ding motorcycle patrols kung saan magbabantay naman ang motorcycle units sa mga key areas upang agad na tumugon sa mga insidente at emergency.

Palalakasin din ang Oplan Galugad operations at Oplan Sita, kung saan magkakaroon ng mga checkpoint at routine stops upang malimitahan ang galaw ng mga illegal item.

Dagdag pa, ipinag-utos ni Marbil na ang 85% ng mga pulis ay dapat na aktibong nakikilahok sa field duties. Dahil dito ay planong bawasan ang mga pulis na nakatalaga sa office work.

“We are committed to making our communities safer by ensuring a strong police presence in public spaces. This initiative is designed to not only prevent crime but also to build trust and rapport with the communities we serve,” saad sa pahayag ni Marbil.

Ayon sa PNP, ang direktiba ay ayon sa naunang kautusan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

“Our goal is to protect and serve the public with integrity and dedication. We must work hand in hand with our communities to create an environment where everyone feels safe and secure,” aniya.

Nagpahayag naman ng suporta si Abalos sa direktiba ng PNP sa pagsasabing ang kaligtasan at seguridad ng mga Filipino ang prayoridad ng ahensya. RNT/JGC