Home NATIONWIDE Peace initiatives sa BARMM suportado ng Japan envoy

Peace initiatives sa BARMM suportado ng Japan envoy

MANILA, Philippines – Patuloy na susuportahan ng Japan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng peace initiatives, capacity building at development projects.

Ang pagsisiguro na ito ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa mga opisyal ng BARMM ay kasunod ng pagbisita ng una nitong Martes, Hunyo 18 para iparating ang buong suporta ng Japan sa rehiyon.

Nagsagawa ng courtesy visit si Kazuya at ang delegasyon nito sa BARMM parliament na malugod namang tinanggap ni Parliament Speaker Pangalian Balindong.

“The Japan delegation’s visit was aimed at showing support for the Bangsamoro region’s ongoing peace and development efforts,” saad sa pahayag ni Kazuya nitong Miyerkules, Hunyo 19.

Sa pagpupulong, inihayag ni Speaker Balindong, isang abogado, ang mga tagumpay ng parliament at ang nalalapit na kauna-unahang parliamentary elections.

Pinag-usapan naman nina Ambassador Kazuya, na sinamahan ng delegasyon mula sa Embassy of Japan at Japan International Cooperation Agency (JICA), ang isyu kasama ang mga miyembro ng parliament.

Nagpalitan ang mga ito ng mga pananaw sa peace process.

Pinuri naman ni Kazuya ang pag-unlad sa rehiyon at siniguro ang patuloy na suporta sa Bangsamoro para sa peace at sustainable development.

“BARMM is grateful to Japan, and we acknowledge JICA for its contributions, technical expertise, capacity-building initiatives, and various development projects that have benefited our people,” sinabi ni Balindong kay Kazuya at delegasyon nito.

Ang pagbisita ni Kazuya ay isang linggo matapos na aprubahan ng gobyerno ng Japan ang US5.5 million dollars, o nasa P323.19 million, ng grant para mapabuti ang access sa birth registration para sa mga Sama Bajau at iba pang marginalized sector sa rehiyon.

Pumirma sina Ambassador Kazuya at United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) Philippines Head Maria Ermina Valdeavilla-Gallardo ng exchange of notes para sa 30-month initiative. RNT/JGC