Home NATIONWIDE Phivolcs nagbabala sa patuloy na degassing activity ng Taal

Phivolcs nagbabala sa patuloy na degassing activity ng Taal

MANILA – Pinayuhan ng pinuno ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes ang publiko na iwasang pumasok sa Taal Volcano Island, isang permanenteng danger zone, habang patuloy na nagbubuga ng mga gas ang bulkan.

“Ang sulfur dioxide (SO2) ay ang gas na naaamoy natin. May iba pang mga gas na delikado din na baka hindi natin ma-detect tulad ng carbon dioxide na sa maraming dami ay nakaka-displace ng hangin at asphyxiate,” ani Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa isang ulat.

Noong Sabado, iniulat ng Phivolcs na binabantayan ang degassing activity sa main crater mula 1:30 ng umaga hanggang 7:55 ng umaga.

Ang Bulkang Taal ay nagde-degas sa malalaking volume ng gas mula noong Marso 2021, sinabi ng Phivolcs.

Ang degassing ay nangyayari kapag ang mga materyal na bulkan ay nakipag-ugnayan sa tubig, na lumilikha ng singaw at mga gas ng bulkan.

Nabanggit din ng opisual na ang singaw ay naglalaman ng SO2 na acidic at maaaring makairita sa respiratory system.

Ang Bulkang Taal ay nasa Alert Level 1 mula noong Hulyo 2022, na nangangahulugang mayroong patuloy na mababang antas ng kaguluhan. Santi Celario