Home SPORTS Pilipinas isa ng volleyball nation – Alyssa Valdez

Pilipinas isa ng volleyball nation – Alyssa Valdez

MANILA, Philippines – Mismong si “Phenom” Alyssa Valdez ang nagsabi na isa ng volleyball nation ang Pilipinas at patuloy na maglalagablab sa init ang sports na volleyball sa bansa.

Isa si Valdez sa libu-libong tagahanga ng volleyball sa Manila leg ng 2024 Volleyball Nations League (VNL) kung saan ipinahayag niya ang rock-solid status ng sport sa bansa ngayon.

Mula sa mga soldout crowd at lumalaking fanbases sa collegiate at pro leagues, naniniwala si Valdez na wala ng makapipigil sa  Philippine volleyball ngayon.

“I’m gonna say it but I think right now, volleyball country tayo o volleyball nation,” ani Valdez.

“Napakasayang makita na punong-puno ‘yung arena. Napakagandang makita silang dalawa na nanood  para sa USA at Japan. Napakagandang scenario rito sa venue. We’re just really hoping na ipagpatuloy ‘yung support ng community sa volleyball in general here in the Philippines and all over the world,” dagdag pa nito.

Ang pagtulong na mapanatili ang pag-angat ng sport sa bansa ay ang pinakabagong tagumpay ng Alas Pilipinas sa 2024 AVC Challenge Cup for Women sa sariling lupa kung saan nanalo ang Pilipinas ng una nitong medalya sa anim na dekada na kasaysayan ng pambansang pederasyon.

Para sa Creamline captain at eight-time Premier Volleyball League (PVL) champion, marami pang dapat matutunan at gamitin para mapanatili ang kahanga-hangang pag-unlad ng volleyball.

“Magandang exposure ito sa kanila. Sana mas maganda pa ‘yung ipakita natin at mag-improve tayo as a team. Sana mag-start rin to na panoorin ‘yung Spikers’ Turf at volleyball games sa pangkalahatan habang sinusuportahan namin ang mga team na ito sa VNL.”JC