Home METRO Road closure para sa inagurasyon ng Pasig River Esplanade kasado

Road closure para sa inagurasyon ng Pasig River Esplanade kasado

MANILA, Philippines- Kasado ang road closure sa lungsod ng Maynila sa Linggo upang bigyang-daan ang inagurasyon ng Pasig River Esplanade.

Sa traffic advisory, sinabi ng Manila public information office na ang sumusunod na mga kalsada ay isasara simula hatinggabi ng Sabado:

  • Intramuros – Binondo Bridge northbound at southbound

  • Magallanes Drive (mula Plaza Mexico hanggang Jones Bridge)

  • Plaza Lawton (mula Jones Bridge hanggang McArthur Bridge)

Muling bubuksan ang mga kalsada sa Linggo.

Samantala, ang mga motorista ay pinayuhan na dumaan sa sumusunod na alternatibong ruta patungo sa port area:

  • tumuloy sa Padre Burgos Avenue

  • kumanan sa Katigbak

  • kumanan sa Bonifacio Drive

  • diretso sa Anda Circle pagkatapos ay tumuloy sa punto ng destinasyon.

Ang Pasig River Esplanade ay isa sa mga pinakabagong atraksyon sa Metro Manila, na nagtatampok ng tanawin ng Jones Bridge at ng Pasig River, pati na rin ang mga iskultura na naglalarawan ng Pandango sa Ilaw.

Ayon sa netizens, ang venue ay naglalabas ng “vibe” na katulad ng mga European city habang nagbibigay sa mga bisita ng kakaibang view ng Maynila sa gabi.

Ang Pasig River Esplanade ay bahagi ng Pasig River Urban Development Project upang maibalik ang Ilog Pasig at ang mga paligid nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden