Home SPORTS Ryan Garcia positibo sa PED, suspendido ng isang taon

Ryan Garcia positibo sa PED, suspendido ng isang taon

Nakatanggap ng isang taong suspensiyon ang boksingero na si Ryan Garcia mula sa New York State Athletic Commission matapos magpositibo sa PED ostarine.

Idineklarang  no-contest ang nanging panalo ni Garcia laban kay Devin Haney noong Abril 20 sa Brooklyn at nawalan din ito ng $1.1 milyon na premyo at pagmumultahin ng komisyon ng $10,000 – ang maximum na pinapayagan sa New York.

Nangagahulugan ang desisyon na si Haney ay nanatiling wala talo sa kartadang  31-0 habang si Garcia may record 24-1.

Parehong 25 taong gulang ang dalawang boksingero.

“Gusto kong pasalamatan ang komisyon at ang mga tagahanga na tumayo sa tabi ko sa buong prosesong ito,” sinabi ni Haney. “The facts are the facts and I wasn’t on an even playing field. Happy I was able to receive justice for what happened. It’s all part of my story and it’s only going to make me better. I look to enjoy this time with aking pamilya at mga kaibigan at tingnan kung ano ang susunod.”

Nag-post si Garcia sa social media noong Huwebes na “inagaw nila ang tagumpay ko” at idinagdag na “Okay lang retired na ako babalik ako sa isang taon.”JC