Home ENTERTAINMENT Sanya, biktima ng stalker!

Sanya, biktima ng stalker!

Manila, Philippines – Hanggang MU o mutual understanding lang ang mga pinasukang relasyon ni Sanya Lopez.

Ni isa raw doon ay walang umabot sa stage na officially ay sila na ng guy as BF-GF.

Pero bago n’yo husgahan si Sanya sa pagiging picky o sobrang mapili, wait till you hear her biggest turn-off.

Madalas palang katakutan ng Kapuso actress ang period kung kailan ready na raw niyang sagutin ang kanyang ka-MU.

Doon daw kasi sa stage na ‘yon niya natutuklasan ang ilang red flags para hindi niya pakawalan ang kanyang matamis na “oo.”

Halimbawa na lang daw when the guy is becoming more demanding of her time.

May kasama pa raw kasing panunumbat ito sa kanya na kesyo wala na siyang panahon para sa guy, dahil all she does is work, work and work.

Hindi naman itinanggi ni Sanya na nagi-guilty siya.

Kaya kadalasan daw, pag nag-uumpisa nang mag-demand ang guy ng kanyang oras, siya na raw mismo ang pumuputol ng kanilang MU.

Pero may ni-reveal si Sanya tungkol sa kanyang stalker.

Feeling daw kasi niya’y minamanmanan siya nito saan man siya naroon.

Bagama’t through audio lang daw sila magkausap, pakiramdam niya’y nakikita siya ng kanyang stalker gamit ang kung anong device to track her down.

Alam daw kasi nito kung nasaan siya ng mga sandaling ‘yon, at kung ano ang kanyang ginagawa.

Obsessed na obsessed nga raw ito sa kanya, bagay na labis niyang ikinatakot.

Hindi naman binanggit ni Sanya kung inireport ba niya ang lalaking ‘yon sa kinauukulan.

Hala! Ronnie Carrasco III