Home OPINION SSS MAY CALAMITY LOANS SA OFWs NA QUAKE VICTIMS SA TAIWAN

SSS MAY CALAMITY LOANS SA OFWs NA QUAKE VICTIMS SA TAIWAN

MULING binuksan ng Social Security System (SSS) ang apli­kasyon para sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP) nito para sa eligible members.
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Rolando Ledesma Macasaet na maaari nang mag-aplay para sa calamity loan ang overseas Filipino workers (OFWs) na naka-base sa Taiwan na naapektuhan ng 7.4 Magnitude na paglindol nitong April 3, 2024.
Ayon kay PCEO Macasaet, isang “historic first” ang gagawin ng SSS na paglalaan ng calamity loan sa mga miyembro na nasa labas ng bansa.
Pero nangangailangan din ng tulong ang mga miyembro na naapektuhan ng kalamidad sa ibang bansa.
Nitong May 21, 2024 nagsimulang tumanggap ng aplikasyon na magtatagal hanggang August 20, 2024, sa pamamagitan ng My.SSS account.
Pero kailangan muna nilang magtungo sa SSS Taiwan Fo­reign Office na nasa Neihu District, Taipei City, para makakuha ng CLRN o calamity loan reference number.
Ang qualified members ay maaaring manghiram ng katumbas ng kanyang monthly salary credit o hanggang Php 20,000 na maaari niyang bayaran sa loob ng 24 na buwan o dalawang taon na may 10 percent na annual interest rate.
Kinakailangan lamang na mayroon siyang 36 monthly contributions na ang anim sa mga ito ay dapat naihulog na bago magkakaroon ng kalamidad o paninirahan sa apekta­dong lugar.
Kaya ang inyong Agarang Serbisyo Lady ay palaging nagpapaalala sa inyo na regular na maghulog ng inyong SSS contribution para sa panahon ng pangangailangan ay mayroon kayong magagamit lalo pa nga’t papatindi nang papatindi ang nararanasan nating lindol at mga bagyo dulot ng epekto ng climate change.
Patuloy ninyong subaybayan tuwing Martes ang pag-uusap  ng “Talakayang SSS” sa programang Health & Travel @ Serbisyo Publiko sa DWBL 1242 AM Band at mayroong live streaming sa Facebook “DWBL 1242 Radio”  at sa YouTube channel “Hilda Ong Agarang Serbisyo Lady at sa “TV Radio Hilda Ong” facebook accounts.