Home NATIONWIDE Tolentino namigay ng tulong sa mga mahihirap sa Zambo City

Tolentino namigay ng tulong sa mga mahihirap sa Zambo City

Ang paggigiit ng ating soberanya sa West Philippine Sea ay isang pangunahing isyu na dapat magkaisa ang lahat ng Pilipino, maging mula sa Luzon, Visayas, o Mindanao. Ganito ang sinabi ni Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino matapos pangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na residente sa Zamboanga City noong Lunes, Hunyo 24.

ZAMBOANGA CITY – Pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na residente ng lungsod na ito, habang iginiit niya ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa sa harap ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Nakiisa si Mayor John Dalipe kay Tolentino sa pamimigay ng cash assistance sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Barangay Tetuan kahapon ng umaga.

Dumating ang senador sa lungsod na ito noong weekend upang pangunahan ang paglulunsad ng Mindanao qualifying leg ng Philippine ROTC (Reserved Officers Training Corps) Games 2024, na tatakbo mula Hunyo 23 hanggang 28.

Bumisita rin siya sa kalapit na Basilan noong Linggo, kung saan nangako siyang tutulungan ang lokal na pamahalaan na isulong ang namumuong programa sa turismo ng isla-probinsya.

“Some say that the WPS is not a gut issue, and the conflict is happening too far away from Mindanao to be part of your daily concerns. That is not true,” ayon sa senador.

“The WPS involves our very core as Filipinos and it should unite all of us, whether we are from Luzon, Visayas, or Mindanao,” dagdag niya.

Si Tolentino ang pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 2492, o ang Philippine Maritime Zones Act.

Ang SBN 2492 ay naglalayong pagtibayin ang mga karapatan ng bansa sa lahat ng maritime zone nito para sa kapakinabangan ng mga Pilipino, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at sa makasaysayang 2016 Hague arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas.

Binigyang-diin ng senador ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa at umapela sa mga Zamboangeño na manindigan at ipagdasal ang mga Pilipinong sundalo at mangingisda, na aniya ay inilalagay ang kanilang buhay sa panganib araw-araw upang igiit ang soberanya at mga karapatan sa ekonomiya ng bansa sa WPS.

“Ang WPS ay isang isyu na dapat magbigkis sa ating kapuluan. Ito ay may kinalaman sa ating lahat at sa mga kabataan, at maging sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino,” pagtatapos niya. RNT