Home NATIONWIDE VP Sara pinuri ng PDP sa pagbaba sa Cabinet post

VP Sara pinuri ng PDP sa pagbaba sa Cabinet post

MANILA, Philippines- Inihayag ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP), pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nitong Biyernes ang suporta nito sa desisyon ni Vice President Sara Duterte na magbitiw sa kanyang pwesto sa Gabinete, at sinabing hindi nito mababago ang pagmamahal nito sa bansa.

“The PDP lauds and supports the principled leadership of VP Sara Duterte who shows love for country in every decision,” pahayag ng PDP.

“We are in solidarity with Vice President Sara in translating into action our shared values of being Maka-Diyos, Maka-Bansa at higit sa lahat ang ipaglaban ang interes at kapakanan ng bawat Pilipino,” dagdag ng partido.

Noong Martes, inanunsyo ng Bise Presidente ang desisyon niyang bumaba bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Tinanggap naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang resignation, base sa Malacañang, na epektibo sa Hulyo 19.

Ani Duterte, hindi kahinaan ang mitsa ng kanyang pagbitiw, kundi para sa kapakanan ng mga guro at mga estudyante.

Pinamumunuan ni Sara ang Hugpong ng Pagbabago, isang regional party, at kalaunan ay umanib sa Lakas-CMD bilang chairperson nito bago ang kanyang 2022 vice presidential run.

Kumalas naman si Vice President Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) noong Mayo 2023, dahil umano sa pamumulitika at umano’y pagsisikap na siraan siya.

Noong Abril, kinalos ng Duterte-chaired PDP angLaban mula sa pangalan ng partido. RNT/SA