Home NATIONWIDE #WalangKuryente sa ilang bahagi ng NCR, Laguna, Bulacan mula Hunyo 18 ‘gang...

#WalangKuryente sa ilang bahagi ng NCR, Laguna, Bulacan mula Hunyo 18 ‘gang 21

MANILA, Philippines- Makararanas ng power service interruptions sa ilang bahagi ng Pandacan sa Manila, BGC sa Taguig, Kamuning sa Quezon City, Laguna, at Bulacan dahil sa scheduled maintenance activities mula Hunyo 18 hanggang 21.

Sa abisong naka-post sa website nito, sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) na magsasagawa ito ng line reconstruction works sa kahabaan ng Beata malapit sa Sto. Niño Street sa Pandacan, Manila mula Hunyo 18 hanggang 19.

Apektado sa pagitan ng 11 p.m., Martes, Hunyo 18 at 4 a.m., Miyerkules, Hunyo 19 ang:

  • Bahagi ng Lorenzo Dela Paz Street mula Beata Street hanggang Jesus Extension Street saklaw ang Certeza Street.

Magkakaroon din ng line maintenance works sa loob ng Fort Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City sa Hunyo 19.

Apektado sa pagitan ng 9 a.m. at 9:05 am at sa pagitan ng 1:55 p.m. at 2 p.m. ang:

  • Icon Plaza, Seibu Tower, RCBC – A. T. Yuchengco Centre, Sun Life Centre, Fort Victoria, Philippine Realty Holdings Corp., at Singapore Embassy sa Fort Bonifacio Global City.

Gayundin, magsasagawa ang Meralco ng energization of facilities at line reconstruction works sa Barangay San Francisco, Biñan City, Laguna sa Hunyo 19.

Apektado sa pagitan ng 10 a.m. ay 12 noon ang:

  • Bahagi ng South Road mula Road 18 hanggang East Road sa San Agustin Village (Meriño Subdivision).

  • Bahagi ng Job Street mula West Road hanggang Exchange Boulevard sa Juana Complex Subdivision, Phase 6.

  • Bahagi ng Genesis Avenue mula Matthew Street hanggang Samuel Street sa Juana Complex Subdivision, Phase 6.

Ikakasa rin nito ang relocation of facilities sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Barangay Paligsahan, Quezon City mula Hunyo 19 hanggang 20.

Apektado sa pagitan ng 11 p.m. ay 11:30 p.m., Miyerkules, Hunyo 19, at sa pagitan ng 4:30 a.m. at 5 a.m., Huwebes, Hunyo 20, ang:

  • Bahagi ng Panay Avenue mula Scout Reyes Street hanggang Timog Avenue sa Barangay South Triangle.

  • Bahagi ng Scout Reyes Street mula malapit sa Quezon Avenue hanggang Scout De Guia at Scout Fuentebella Streets sa Barangays Laging Handa at Paligsahan.

  • Bahagi ng Mother Ignacia Avenue mula Scout Reyes Street hanggang malapit sa Scout Limbaga Street sa Barangays Laging Handa at Paligsahan.

  • Bahagi ng Quezon Avenue mula Timog Avenue hanggang malapit sa Scout Borromeo Street sa Barangay South Triangle at West Triangle.

Apektado sa pagitan ng 11 p.m., Hunyo 19 at 5 a.m., Hunyo 20 ang:

  • Bahagi ng Quezon Avenue mula Lifeline Diagnostics Supplies Inc. hanggang Timog Avenue saklaw ang Scout Reyes Street sa Barangays Laging Handa, Paligsahan, at South Triangle.

Papalitan naman ng Meralco ang leaning pole sa kahabaan ng B. Bernardo Street sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan sa Hunyo 20.

Apektado sa pagitan ng 12:01 a.m. ay 5 a.m. ang:

  • Bahagi ng B. Bernardo Street mula malapit sa Governor Fortunato Halili Avenue hanggang Okachi Neon Mfg. Corp., Kooperatibang Masa, Wilbond Chemicals Inc., ASA Color & Chemical Industries Inc., ASA Color Trading Corp., F16 Construction Corp.; at Mauricio St. sa Barangays Bolacan at Turo.

Kasado ang installation of pole at line reconstruction works sa kahabaan ng Dinar Street sa Saint Michael Homes Subdivision, Phase 2, Barangay Pandayan, Meycauayan City, Bulacan sa Hunyo 20.

Apektado sa pagitan ng 10 a.m. at 3 p.m. ang:

  • Bahagi ng Dinar Street mula Dollar Street hanggang Halasan Road sa Palanas Area Compound; Fundador, Johnny Walker, ay Cognac Streets

  • Bahagi ng Gladiola Street mula Dinar Street hanggang Sampaguita Street saklaw ang Orchid Street.

Isasagawa rin ang replacement of poles, line reconductoring works, at installation ng bagong poles sa Heritage Homes, Barangay Loma De Gato, Marilao City, Bulacan sa Hunyo 20.  

Apektado sa pagitan ng 9 a.m. at 2 p.m. ang:

  • Kahabaan ng Sunflower Street mula Heritage Homes Main Road hanggang Metro Gate Meycauayan 2–3, 2–4 & 2–4A, Metro Gate Subdivision Phases 1 & 2, at Heritage Homes Phases 5, 6, & 9

Samantala, magsasagawa ng line conversion works sa kahabaan ng Highway Homes Subdivision sa Barangay Platero, Biñan City, Laguna mula Hunyo 20 hanggang 21.

Apektado sa pagitan ng 11 p.m., Huwebes, Hunyo 20, at 2 a.m., Biyernes, Hunyo 21, ang:

  • Highway Homes Subdivision along Maharlika Highway sa Barangay Platero, Biñan City.

Romanville Subdivision sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Tagapo, Santa Rosa City. RNT/SA