Home NATIONWIDE #WalangKuryente sa QC, Taytay mula Mayo 20 ‘gang 21

#WalangKuryente sa QC, Taytay mula Mayo 20 ‘gang 21

MANILA, Philippines – Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Quezon City at Taytay, Rizal mula Mayo 20 hanggang 21 dahil sa scheduled maintenance activities.

Sa abiso na inilabas ng Meralco, sinabi na magkakaroon ng line reconductoring works at replacement ng mga pasilidad sa Sto. Niño, San Antonio, at Capillan Streets sa Barangay San Antonio, Quezon City.

Ang mga sumusunod na lugar ay maaapektuhan mula alas-11 ng gabi ng Lunes, Mayo 20, at alas-5 ng umaga ng Martes, Mayo 21.

Ito ay ang mga sumusunod na lugar:

Bahagi ng Sto. Niño Street mula Fernando Poe Jr. Ave. hanggang Capillan Street
Bahagi ng San Antonio Street mula San Jose Street hanggang Piopongco Street
Bahagi ng Capillan Street. mula Sto. Niño Street hanggang Santiago Street

Magsasagawa rin ng line reconductoring works sa Basilica Street malapit sa Manila East Road (Taytay – Angono National Highway) sa Barangay Muzon, Taytay, Rizal bukas, Mayo 21.

Ang mga apektadong lugar ay mawawalan ng kuryente sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Ito ay ang mga sumusunod:

Bahagi ng Basilica Street mula Manila East Road (Taytay – Angono National Highway) hanggang Milan Street sa San Francisco Village, Barangay Muzon
Bahagi ng Siena Street mula Basilica Street hanggang Roma Street sa San Francisco Village, Barangay Muzon
Mula Bologna Street mula Serdena Street hanggang Capri Street sa San Francisco Village, Barangay Muzon
Bahagi ng Serdena Street mula Bologna Street hanggang Sardinia Street sa San Francisco Village; at Sitio Sabutan sa Barangay Muzon
Mula Florence at Venice Streets mula Serdena Street hanggang Milan at Asissi Streets at Javier Compound sa San Francisco Village, Barangay Muzon.