Home NATIONWIDE ₱1.57M shabu nasamsam, 2 suspek arestado

₱1.57M shabu nasamsam, 2 suspek arestado

BACOLOD CITY-UMABOT sa ₱1.57M halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation, Biyernes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Michael John Tabara, high-value individual, at kasama nitong si Jan Clyde Pillora.

Sa pinagsamang operasyon ng Bacolod City Drug Enforcement Unit, bandang 2:30 AM ng mahuli ang mga suspek sa Purok Sigay Barangay 2, ng nasabing lungsod.

Sinabi ng pulisya, na nakabili sila ng ₱10,000 halaga ng shabu kay Tabara at agad itong dinakma ng operatiba.

Nakuha rin sa mga suspek ang 4 na malaking plastik na naglalaman ng 232 gramo ng shabu at naibebenta ito sa halagang ₱6,800 kada gramo na may kabuuang halagang ₱1.57M; ₱250, at sling bag.

Nakakulong ngayon sa custodial facility ng Police Station 2 ang mga suspek at inihanda ang kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) and Section 11 (possession of dangerous drugs) laban kay Tabara habang paglabag naman sa Section 11 of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kay Pillora./Mary Anne Sapico

Previous article7 sa 10 Pinoy pabor sa PUV modernization – survey
Next article7 NPA sumuko