Home METRO ₱1.5M paputok nasamsam, suspek arestado

₱1.5M paputok nasamsam, suspek arestado

TANAUAN CITY, Batangas- UMABOT sa ₱1.5 milyon na halaga ng iba’t ibang klase ng paputok sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad laban sa isang encoder, noong Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Darryl Macahia, alyas Daryl, ng Barangay Ambulong Tanauan City.

Ayon kay Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Regional Intelligence Unit 4A, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na pagbebenta at pag susuplay ng mga paputok ng suspek sa kalapit na sa Calabarzon (Cavite Laguna Batangas Quezon).

Inilatag ang operasyon laban sa suspek at nakabili ang isa sa mga pulis ng mga paputok dahilan para posasan ito at nakuha sa loob ng kanyang bahay ang kahon kahon na naglalaman ng iba’t ibang klase ng mga paputok at karamihan sa mga ito ay ang mahigpit na ipinagbabawal.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa paglabag sa RA 7183, ang suspek.

Nagbabala naman si Brig. Gen Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, sa publiko ngayon Holiday season na sumunod sa ipinatupad na kautusan ng awtoridad para maiwasan ang disgrasya lalo na sa pagsalubong Bagong Taon. Mary Anne Sapico

Previous article2 magsasaka nagtagaan, patay
Next articlePagsabog sa Marawi gym habang may misa, kinondena sa Senado