CEBU CITY- PARA sa kaligtasan at seguridad ng alkalde ng lokal na pamahalaan ng lungsod na ito planong bumili ng sports utility vehicle bulletproof sa halagang ₱10M na gagamitin service vehilce ni Mayor Michael Rama.
Sa ipinadalang sulat ng tanggapan ni Rama sa Department of the Interior and Local Government (DILG) n may petsang Oktubre 6, 2023 ay humihiling na bibili sila ng nasabing sasakyan.
Sinabi ni Cebu City Councilor Noel Wenceslao, chairman ng committee of budget and finance, at ang nagsusulong ng naaprubahang resolusyon, na kailangan ang pagbili ng sasakyan para sa seguridad ng alkalde.
“Sa tingin ko [ito] ay hindi tinatablan ng bala para sa mga kadahilanang pangseguridad. You know, wala man ta kabalo sa mangyayari sa city. For the security of our mayor, we also have to purchase a vehicle for us na secured gyud siya, (Hindi natin alam ang mangyayari sa lungsod at para na rin sa seguridad ng ating mayor na kailangan nating bumili ng nasabing sasakya para ligtas siya)” ani Wenceslao.
Idinagdag ni Wenceslao na ang aktwal na kahilingan para sa resolusyon ay nagmula sa matagal nang pangangailangan ni Rama para sa isang sasakyan.
“Dugay kaayo na siya nga wa na siyay [sakyanan], iyang ng personal or inuslan ra gali guro na iyang land cruiser, so he needs a land cruiser, (matagal na siyang walang sasakyan, ang ginagamit niya ay ang personal niyang sasakyan, kaya kailangan niya ng land cruiser)” dagdag pa ni Wenceslao.
Ipinalagay niya na ang Commission on Audit (COA) ay nagbigay ng pag-apruba para sa pagkuha, dahil nagsumite sila ng kahilingan sa resolusyon.
“They (Office of the Mayor) request[ed] me to ano [pass] the resolution. Gi clear nana nila mag purchase at SUV. For highly urbanized city, pwede man siguro mo purchase at SUV,” aniya.
Ang iminungkahing service utility vehicle (SUV) para kay Rama ay may tag ng presyo na ₱6,582,931.04.
Bukod pa rito, ang pagsasama ng level 6 na bulletproofing at bombproofing ay nangangailangan ng dagdag na gastos na 3,450,000. Ang kabuuang tinantyang gastos para sa pagkuha, kasama ang parehong SUV at mga pagpapahusay sa seguridad, ay umaabot sa 10,032,931.04.
Ang pagmamay-ari ng sasakyan ay ibibigay sa pamahalaang lungsod, ani Wenceslao, na nagpapahintulot sa paggamit nito ng susunod na opisyal pagkatapos ng kasalukuyang administrasyon.
“I think need siya [Rama] at sasakyan kay kato iya ginagamit gamit kay inuslan to niya so he needs an official car from the city,” pagtatapos pa ni Wenceslao.
Samantala, nag-alala naman si Councilor James Cuenco sa malaking halaga na bibilhin sasakyan at tinawag niya ito ng “luho”.
Giit ni Cuenca, nang basahin niya ang dokumento, nakikita niyang hindi naman siguro talagang gustong bumili ng kanilang alkalde ng naturang mamamahaling sasakyan.
“ I know him he wouldn’t really want or use the funds of the city or purchase one kuan very grandiose,” sabi ni Cuenco.
Binanggit din ni Cuenco na mayroon nang security detail at backup vehicles si Mayor Rama, kabilang ang isang SWAT, na dapat ay sapat na para matiyak ang kanyang kaligtasan at seguridad.
Paliwanag pa ni Cuenca, na may mga pinapayagang sasakyan para sa mga matataas na opisyal, at tanging ang presidente, bise presidente, at punong mahistrado lamang ang karapat-dapat na magkaroon ng bulletproof at bombproof na sasakyan.
Sa kahilingan bulletproof, bombproof, blinkers; I don’t think this is allowed,” sabi ni Cuenco.
Idinagdag pa ni Cuenco na maaari sana siyang magtanong sa sesyon noong tinatalakay ang resolusyon, ngunit wala siya noon, na nagpapahiwatig na naniniwala siyang maaaring hindi masusing pinag-aralan ang pag-apruba sa resolusyon.
“Pero ayokong sisihin [ito] sa mayor mismo. Alam kong may kanya kanyang paraan. Ito ay hindi katulad ng karakter ni Mayor Rama,” ani Cuenco .
Naaprubahan ang panukalang resolusyon noong Nobyembre 22, sa regular na sesyon ng konseho.
“I’m hopeful that the mayor will reconsider basin wala ra mabantayi. I foresee the mayor realizing na mo withdraw ani,” Cuenco.
Sa pahayag naman ni City administrator Lawyer Collin Rosell na nararapat na bumili ng ganitong uri ng sasakyan upang magsilbi sa mga mamamayan ng Cebu.
“Kinahanglan siya at appropriate vehicle kay naa tay upland and lowland. And kana na vehicle klaro na na maka serve na siya nga safe unya secure sad atong official, including the mayor,” he said.
Sinabi pa niya na kung hindi sila makakuha ng clearance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) o mayroon objections, hindi sila maaaring magpatuloy sa pagbili ng special SUV para kay Mayor Rama.
Bukod dito, binanggit ng administrador ng lungsod na bibili lamang sila ng sasakyang SUV ngunit maghahanap sila ng mga sponsor para sa bulletproofing upang mapababa ang halaga ng kabuuang badyet./Mary Anne Sapico