Home METRO ₱10M shabu nadiskubre sa fast food chain

₱10M shabu nadiskubre sa fast food chain

566
0

CANDELARIA, Quezon- Umabot sa ₱10 milyong halaga ng shabu ang natagpuan sa loob ng palikuran sa isang fast food chain kagabi sa bayang ito.

Ayon kay Colonel Ledon Monte, hepe ng Quezon police, bandang alas-10:20 ng gabi nadiskubre ng isang service crew ng “Mang Inasal” sa nasabing bayan ang isang pakete ng shabu sa loob ng basurahan sa comfort room ng kustomer.

Sa pagresponde ng mga pulis sa nasabing lugar, nakuha nila ang isang selyadong plastic bag na naglalaman ng 511.5 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P10,434,600 base sa umiiral na presyo na P20,400 kada gramo.

Base sa salaysay ng pamunuan ng Mang Inasal bago ang insidente, isang grupo ng mga nagpapatrulyang pulis ang pumasok sa loob para kumain.

Nang mapansin nila na may ilang kustomer ay agad na lumabas ang mga ito ng fast food chain.

Sinabi ni Monte na posibleng natakot ang hindi nakilalang tulak ng iligal na droga kaya mabilis nitong itinapon sa basurahan sa loob ng palikuran ang droga.

Nagpatuloy naman ang isnasagawang imbestigasyon ng pulisya para matunton ang may-ari ng iligal na droga at mapanagot ito. Mary Anne Sapico

Previous articleNeneng isinilid sa maleta ng caretaker, nasagip!
Next articleIlang bahagi ng bansa, uulanin sa Habagat

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here