Home NATIONWIDE ₱125M donasyong bigas ng Taiwan pwedeng gamitin sa food packs sa kalamidad

₱125M donasyong bigas ng Taiwan pwedeng gamitin sa food packs sa kalamidad

MANILA, Philippines — Pwedeng gamitin sa family food packs ang donasyong bigas ng Taiwan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱125 milyon, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Itinurn-over ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), o kilala bilang Philippine representative Office sa Taiwan, ang kalahati ng 2,000 metric tons (MT) ng bigas na ipinangako ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) nitong Miyerkules sa National Food Authority (NFA) warehouse sa Valenzuela City.

“Puwede natin ‘tong gamitin sa mga family food packs na ibinibigay natin partikular para sa kalamidad,” ani DSWD Disaster Response Management Group Undersecretary Diane Cajipe said.

“Ang trigger naman ng distribution ng ating mga family food packs ay augmentation ito sa mga local government units in times of disasters,” ayon pa kay Cajipe.

Sinabi ni MECO Chairman Silvestre Bello III na kumpiyansa siya na mananatiling mabuti para sa pagkonsumo sa mahabang panahon ang donasyong bigas.

“Hopefully, as soon as we get feedback on the manner of distribution, ay darating naman ‘yung balance na 1,000 MT pa [the remaining 1,000 MT will arrive],” Bello said.

Nauna nang sinabi ni TECO Representative Wallace Chow na ang natitirang 1,000 MT ng bigas ay darating kapag kailangan na o sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas. RNT

Previous articleNavotas Funbikers nag-ikot sa Navotas
Next articleBodega naabo sa Caloocan